Home » Post Item » Ang mahiwagang mensahe ni Doraemon
Ang mahiwagang mensahe ni Doraemon
February 17, 2010Fave ko talaga si doraemon at nakakabilib xa mga tsong at tsang, kahit ganon marami ka mapupulot na aral sa mga pinagsasabi nia, kaya siguro ang lagi niyang sinasabi ay “ang mahiwagang mensahe”! lol
Here’s are few of his mahiwagang mensahe:
1. “Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat mo nang gawin.”
2. “Mahirap maging matanda. Wala nang mas matanda na titingin sa’yo.”
3. “Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay.”
4. “Hindi mo dapat iyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang hinaharap.”
5. Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!
6. Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal.
7. Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buahay kaya mabuhay ka ng masaya.
8. Ang talagang makakapagpasaya sa atin ay yung taong naging dahilan kung bakit tayo nalungkot.
Previous Comments
@ mIa, correctional kaw jan!! nakakatuwa talaga siya, & tenk u po ay nagu2stuhan mo ang mga entry ko dito… Stay happy… Have a nice day!
Posted by badbitch at February 17, 2010, 11:25 pm


idol ko rin si doraemon. nakakaaliw yung pagkakatagalize niya, hehe.
and nakakatuwang basahin ang mga entry mo.
Posted by Mia at February 17, 2010, 9:16 am